Kim Chiu at Gerald Anderson’s “Paano Na Kaya?” showing this January 27!
Tiyak na kikiligin na naman ang mga fans ng tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson sa nalalapit na pagpapalabas ng Star Cinema movie na “Paano Na Kaya?” sa direksyon ni Ruel S. Bayani.
Ang “Paano Na Kaya?” na pinagbibidahan ng pinakasikat na onscreen love team sa bansa na si Kim Chiu at Gerald Anderson. Simula January 27, 2010 ay mapapanood na sa mahigit 100 theaters sa buong bansa ang unang pelikulang handog ng Star Cinema.
Talagang swerte ang Kimerald love team sa mga proyekto nila sa ABS-CBN. May ilang buwan ding hindi nakitang magkasama ang magkatambal sa TV man o sa pelikula pagkatapos ng kanilang teleseryeng “Tayong Dalawa.” “I’ve Fallen For You” na pinalabas noong 2007 ang huling pelikulang pinagtambalan ni Kim Chiu at Gerald Anderson. Kaya naman sa pagpapalabas ng “Paano Na Kaya?” ngayong Enero, tiyak akong patok ito sa takilya.
Kasama rin sa pelikula sina Ricky Davao, Rio Locsin, Rica Peralejo, Melissa Ricks, Zsa-zsa Padilla, Robi Domingo at marami pang iba.
Star Cinema’s “Paano Na Kaya?” will be showing in Philippine theaters starting January 27, 2010. Read more »



