Watch Kim Chiu and Gerald Anderson’s Tayong Dalawa Hot Love Scene!

Marami ang nagulat at kinilig noong umere na ang love scene nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa top rating na teleseryeng Tayong Dalawa. Malapit na matapos ang nasabing serye kaya naman tutok na tutok na ang lahat para sa bonggang bonggang pagtatapos ng Tayong Dalawa. Sa Boracay pa nga kinunan ang naging honeymoon ni Audrey at JR para talagang nakakilig ang atmosphere. Ang eksenang ito na nga ata talaga ang pinaka-daring na eksena sa nasabing serye. Syempre, first time din sumabak nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa isang love scene na kung saan sila’y mag-asawa. Hindi ito katulad dati na puro pacute lang at boyfriend-girlfriend lang! Ramdam mo talaga ang pag-iibigan nina Audrey at JR! Aba, magaling din ang direktor at staff ng nasabing serye dahil maganda ang pagkakagawa ng eksena at hindi ito lumabas na bastos. Ano kayang say ng MTRCB sa nasabing eksena?

Patunay lamang an eksena ito na hindi lang maganda at gwapo si Kim Chiu at Gerald Anderson. Magaling din sila sa pag-arte! Kaya subaybayan ang Tayong Dalawa gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

2 Comments so far

  1. kobe on December 12th, 2009

    ang ganda nyo po tlaga sna magkita tau sa personal

  2. lynette on March 22nd, 2010

    hi…hope my next project kau dis year

Leave a reply