Tambalang Kris at Aljur pantapat ng GMA sa Kimerald?

Ipinalabas na nga sa GMA-7 ang bagong primetime series na “All My Life” na pinagbibidahan ni Kris Bernal at Aljur Abrenica. Ano itong balitang kumakalat na ang tambalang Kris at Aljur daw ay ang pantapat ng Siyete sa tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson? Aba, aba, ayaw niyan ng mga Kimerald fans!

Alam naman natin na sobrang sikat na ng Kimerald na bida sa number one teleserye ng ABS-CBN na “Tayong Dalawa.” Kaya naman siguro napag-isipan na ng GMA-7 na mag-build up ng isang love team na pwede nilang ipantapat sa tambalang Kim at Gerald. Teka, nabansagang pa ngang “Royal Couple of Primetime Television” ang tamabalan ni Kris Bernal at Aljur Abrenica. Ano?! May gano’ng titulo na agad?

Baka naman awayin ako ng Kris-Aljur fans, ah! Ang mamasabi ko lang, marami-rami pa ang kailangan patunayan ng tambalang Kris-Aljur. Kaya naman, good luck sa mga shows nilang dalawa. Hindi ko rin naman sinasabing, sobrang galing na ng Kimerald. Mas matagal lang kasing nasa showbiz ang Kimerald at talaga namang maraming fans ang sumosuporta sa dalawa.

Kimerald fans, anong masasabi ninyo? Mag-comment na! ‘Wag ninyo kakalimutang bumili ng StarStudio July 2009 issue dahil si Kim Chiu at Gerald Anderson ang nasa cover. Bili na!

Pinoy Parazzi: “Bonggang-bongga na si Kim Chiu”

kim-chiu-gerard-anderson

Don’t forget to get a copy of Pinoy Parazzi today where Kim Chiu Fan blogger Jeric Peña wrote about Kim Chiu as well as Gerald Anderson. Check out the article “Bonggang-bongga na si Kim Chiu” on today’s issue of Pinoy Parazzi under the section “Showbiz Blogster”. The “Showbiz Blogster” section comes out every Monday, Wednesday and Friday while Pinoy Parazzi is available from Monday to Friday.

Here’s an excerpt of “Bonggang-bongga na si Kim Chiu” by Jeric Peña of  http://www.brinknotes.net:

INAAMIN KO NOONG una, hindi ko masyadong nagustuhan si Kim Chiu lalo na noong siya’y nasa loob pa ng Bahay ni Kuya. Feeling ko kasi isa lang siyang normal na teenager na chinita, maganda, maputi at hanggang doon na lang. Malay ko bang sisikat siya. Tinatanong ko pa nga ang sarili ko kung bakit sobrang daming fans ni Kim?

Read the full article at the Pinoy Parazzi official website.

Next Page »